Gaano ka ka-confident sa iyong ginagamit na moisturizer? Napapanatili ba nitong malambot ang iyong kutis hanggang gabi?
Kung hindi ang sagot sa mga tanong na ito, oras na para subukan ang natural moisturizer na mapapanatiling malambot ang iyong balat nang walang chemical.
Sa beauty recipe na ito, kakailanganin lamang ng isang kutsarang orange juice, isang kutsara ng lemon juice, at kalahating tasa ng yogurt.
Paghalu-haluin ang nasabing ingredients at ilagay sa buong mukha. Ibabad ito ng hanggang 15 minuto.
Agad mapapansin ang pag-aliwalas ng inyong mukha dahil sa yogurt at puputi rin ito dahil sa lemon at orange.