Ang luyang sangkap sa kusina ay maaari na ring gamitin sa pagpapaganda. Bago subukan ito, mas mabuti kung kumunsulta sa doctor lalo na sa mga may allergy.
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng luya:
Pangtanggal ng peklat, kulubot, at marka ng tigahawat sa mukha – Ihalo ang dinurog na luya sa yelo at ilagay sa mukha. Gawin ito isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
Namamagang balat – May anti-inflammatory property ang luya na nakatutulong sa namamaga o pagod na katawan. Maganda rin ito pagdaloy ng dugo sa ating katawan.
Pantanggal ng cellulite – Pagsama-samahin lamang ang dinikdik na luya, katas ng lemon, asukal, at olive oil at saka imasahe sa mga area ng katawan na madalas magkaroon ng cellulite. Epektibo itong pampaalis ng cellulite dahil sa etoxifying and invigorating qualities nito.
Sipon at trangkaso – Isa ang luya sa mga ‘orihinal’ na decongestant na nakatutulong upang mapaginhawa ang baradong ilong. Uminom lang ng maligamgam na ginger tea tuwing umaga o bago kumain ng tanghalian.