• Ang mga Germans ay kilalang organized na mga tao, pero minsan ang reality ay hindi tugma sa expectation. Kapag sumali sa kanila sa pila sa supermarket makikita kung ano ang nangyayari pagbukas sa grocery stores. Mayroong iba na nag-uunahan sa pila kung hindi ka mabilis ay malamang na mas matatagalan sa paghihintay sa linya.
• Pansinin ang kung paano mag-introduce ng sarili ang tao sa Spain? Ang Spaniards ay well-known sa pagiging loud at friendly. Kung napapasyal sa Spain, huwag mabibigla kapag dalawang beses kang halikan ng babae sa magkabilang pisngi bago ipakilala ang sarili. Ito ay paraan sa Spanish ng pagsasabi ng “Hello!”
• Paborito mo ba ang cheese? Kung nagkataon na papasyal sa France na tutuloy sa isang pamilya, siguraduhin na huwag masyadong lantakan ang cheese.
• Sa France, enjoy ang mga tao na kumain ng cheese bilang dessert na inilalagay sa kanilang plato na ka-match ang red wine pagkatapos ng meal.
• Tandaan, kung iinom ng red wine sa France at gustong magpalit ng white wine, huwag ilalagay sa parehong baso na hindi ito hinuhugasan, kung ayaw mong pagtawanan ka sa isang party.