Financial Freedom

Sa pag-abot ng financial freedom ay malaki ang percentage ng pag-iipon.

Habang maaga ay  i-work out ang iyong budget, simulan ito sa idea kung kailan gustong mag-retire at mula sa income.

Hindi pamilyar sa ma­raming Pinoy ang paghahanda para sa kanilang retirement. Ang mali ang akala ng karamihan ay saka na lamang iisipin ang retirement dahil bata pa.

Pero marami ang pagsisisi ay laging nasa huli na hindi pinaghandaan ang katandaan. Ang totoo ang financial freedom na inaasahan pagkatapos ng retirement sa trabaho.

Dahil karamihan ay wala nang pinaaral na anak. Maaaring bayad na ang bahay at less na rin ang gastusin.

Pero maging maingat sa pagpaplano. Maaaring magkaroon nang sapat na pera sa hinaharap. Puwede ring mag-retire nang maaga at mabuhay ng komportable. Kailangan lamang mag-ipon nang mas maaga upang maabot ang goals.

Show comments