Karamihan sa atin ay tinatapon na lamang basta ang tubig na pinagkuluan ng pasta.
Marumi ang tingin dito ng iba. Pero alam niyo ba na maraming chef ang hindi ito tinatapon?
May gamit daw ang starchy at salty na tubig na ito.
Paano mapapakinabangan ang pasta water?
Pagkatapos maluto ang inyong paboritong pasta, tanggalin ito gamit ang tongs o pasta fork. Maaari rin itong i-drain at ilagay sa isang lagayan.
Itabi ang isang tasa ng pasta water at ilagay sa sauce na iluluto.
Dahil dito, mas mabilis na lalapot ang sauce ng inyong pasta dish at makakadagdag din ng sarap ang alat salty goodness nito. Ito ang sikreto ng ilang Italian restaurants. Burp!