Dear Vanezza,
Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para sa pamilya ko. Kung kaya tinanggihan ko ang alok na kasal ng BF ko. Ito rin ang dahilan kaya siya nakipaghiwalay sa akin, ngayon ay hindi ako makapag-concentrate dahil bigla siyang nagpakasal sa iba. Hindi ako maka-move on. Ano ba ang dapat kong gawin? - April
Dear April,
Lilipas din ang sakit na iyong nararamdaman at hihilom din ang sugat sa iyong puso. Isipin mo ang iyong pamilya upang makapokus ka muli sa iyong pag-aaral. Huwag sayangin ang iyong oras sa pag-iisip sa iyong ex-bf. Kundi maghintay ng tamang lalaki na makakaunawa sa iyong plano at pangarap para sa inyong pamilya.
Sumasainyo,
Vanezza