Tuwing weekends dahil walang pasok gusto lamang natin ay matulog. May payo ang mga scientists upang ma-achieve ang beauty rest na kailangan:
Regular na schedule ng pagtulog - Humiga sa kama sa gabi at gumising sa parehong oras araw-araw. Panatilihin ang routine kahit Sabado o Linggo. Huwag patutukso na bumawi ng tulog. Ayon sa expert, ang mga taong natutulog sa Linggo ng umaga at kahit hindi inaatok sa nakasanayang bedtime sa gabi ng Sunday ay nahihirapan na gumising kinabukasan ng umaga kapag Monday. Hanggang maaari ay subukan na matulog at gumising sa parehong oras sa loob ng pitong araw.
Bedtime Routine – Ang katawan at brain ay kailangang mag-cool down bago humiga. Kapag palagian ginagawa ang parehong procedure ng lights-off ay makatutulong na magkaroon ng mahimbing na pagtulog. Sa bawat 10-minute na routine na ginagawa bago matulog tuwing gabi ay naihahanda ang sarili na humiga sa kama ay magandang idea.
Priority ang Pagtulog – Subukan na i-alarm ang 30 minutes bago ang bedtime hindi lamang pinatutunog ang alarm kung gigising sa umaga. Para maalerto ang brain na oras nang iyong pagtulog.
Higit sa lahat ay magkaroon ng screen-free zone upang hindi ma-side track ng electronic devices na nagpapababa ng melatonin hormone na dapat ay tumutulong upang makaramdam na antukin.