Critical thinking ng anak
Laging magbigay sa bata ng maraming pagkakataon na makapaglaro. Kahit ang simpleng paggulong ng holen na makikita nito ang mabilis na pag-ikot.
Hayaan mag-observe ang bagets kung anong nangyayari kapag naghahalo ng harina at tubig.
Ang crucial na pag-improve ng critical thinking ng anak ay mahalaga. Bigyan ang mga tsikiting ng mga open-ended na question kaysa bigyan siya ng sagot sa kanyang tanong.
Tanungin kung anong nangyayari o bakit nagbabago ang anyo ng isang bagay. Respetuhin ang sagot ng anak, mali man o tama.
Sa ganitong paraan ay natututo ang anak sa sarili nitong opinyon. Kailangan lamang magbigay ng sapat na information upang hindi madismaya ang anak, pero hindi dapat sosobra, na ikaw na mismo ang magso-solve ng problema para sa bata.
Kundi hayaan ang anak na mag-isip kung ano ang posibleng sagot o solution sa kanyang tanong.
- Latest