Ang panatilihin ang positive attitude ay critical kapag kailangang ma-achieve ang isang bagay upang ma-improve ang quality ng buhay.
Sa mga huntahan ay pinag-uusapan ang power ng positibong pag-iisip kung gaano ito kaimportante. Pero mas madaling sabihin kaysa gawin ito. Mahalaga kahit ano pa ang kaganapan sa buhay ay maging determinadong maging positibo.
Kailangang maintindihan kung paano mag-react sa outside world ng iyong comfort zone. Kapag mayroong nangyayaring hindi maganda, nasa iyong kamay ang desisyon kung pipiliin ang maging positibo o negatibong experience ayon sa nararapat.
Maaaring ang mawalan ng trabaho ay isang disaster o isang malaking pagkakataon para sa mas malaki at brighter na future na naghihintay sa iyo. Nasa iyong palad kung paano bibigyan ng positibong pananaw ang mga sitwasyon sa buhay.