Alam n’yo ba?

• Si Ronald Reagan ay tinanggihan sa role ng Broadway play na “The Best Man” dahil sa inaakala ng playwright na hindi nito kayang gampanan ang role ng isang pagiging presidente.

• Kalimitan sa mga penguin species ay nagbi-breed tuwing tagsibol at tag-init. Ang incubation ng itlog ay depende sa klase ng species mula 1 buwan at 67 na araw.

• Ang Emperor Penguin ay ang nag-iisang penguin na nagbi-breed tuwing Antarctic winter.

Ang karaniwang ingredient sa sunscreen, eye makeup, lipstick, at bath oil ay ang squeezed mula sa atay ng pating. Ang cosmetic companies ay ginagamit ang shark liver oil dahil hindi ito nagla­langis kahit lagyan ng kombinasyon ng ibang oil. Kamakailan ang ibang kompanya ay nagsimulang gumamit ng alternatibong sources gaya ng wheat germ oil.

Show comments