Taong 1970, isang sunog na katawan ng babae ang natagpuan sa “Death Valley” sa Begen, Norway. Nakahubad ang katawan, pudpod ang mga fingerprints at katabi ng bangkay ang sunog na passport, sleeping pills at ilang bote ng gaas.
May nadiskubre ring 2 maleta sa Bergen train station na pinaniniwalaang sa babaeng sunog. Ayon sa mga pulis, nakitaan nila ito ng lotion prescription pero burado ang pangalan at address ng doktor. Natagpuan din sa maleta ang German money at isang diary na naka-code ang mga entries.
Ayon pa sa kapulisan ay bumebiyahe sa Europe ang babae gamit ang siyam na false identities: Jenevive Lancia, Claudia Tjelt, Vera Schlosseneck, Claudia Nielsen, Alexia Zarna-Merchez, Vera Jarle, Finella Lorck and Elizabeth Leen Hoywfer.
Ayon pa sa mga witness, gumagamit ang babae ng iba’t ibang wig at nagsasalita ng iba’t ibang lenggwahe kabilang na ang French, German, English at Flemish.
Huling nakita ang Isdal Woman nang siya’y mag-check out sa room 407 ng Hotel Marlin at sumakay sa isang taxi. Nasa edad 30-40 taon daw ito at may tangkad na 164cm.
Tatlong dekada ang nakalipas ay may isang lalaki at nagsabing nakita niya ang misteryosong babae na naglalakad patungo sa kagubatan na may dalawang men in black na nakasunod sa kanya. Pinatahimik daw siya ng mga pulis noon.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naso-solve ang kasong ito at pinaniniwalang espiya ang Isdal Woman.
Sa palagay n’yo, espiya ba ang babaeng ito at maraming inililihim ang mga pulis na nag-imbestiga ng kanyang kaso? Kayo na ang humusga.