Sa nakalipas na taon, maaaring mayroong ups and downs, pero laging magkaroon ng pag-asa na mas magandang hamon ang hinaharap ng 2019.
Pero simulan sa sarili na magkaroon ng commitment na mas mag-i-enjoy to the max na “more fun” sa lahat ng iyong gagawin.
Ilaan ang oras sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo kasama man o hindi ang mga anak. Puwedeng subukan ang mga bagong adventure na gustong gawin. Gaya ng cooking o baking class, pag-enroll sa mga lesson na magpapa-ehance ang iyong skills o talent.
Maaaring ang pamilya ay haharap sa mga bagong challenges ngayong taon, pero kahit ano pang darating na unos ng buhay, laging panatilihin na maging masaya at healthy para maging happy ang buong taon.