“Bucketlist ko for 2019, makarating sa Batanes kasama ang mahal ko. Hehehe. We have been in different places at nakarating na rin kami sa ibang bansa pero hindi pa naming napupuntahan ang Batanes na pangarap din ng marami.” - John, Makati
“Ngayong taon, isa sa bucket lists ko yung makapag-ipon para makabili ng bahay. May ipinamana na sa aking lupa, ang kailangan ko pang pagtrabahuan ay yung pagpapagawa ng bahay para sa aking munting pamilya. Sa ngayon kasi ay nakikitira kami sa pamilya ng aking misis.” - Lemar, Bataan
“Yung mabilhan ko po ng bagong kama ang aking tatay. Gusto ko po maging komportable siya sa kanyang pagtulog. Lagi po kasi niya iniinda ang masakit niyang likod at balakang kaya doble kayod po ako ngayong taon para mabili ko po ang kama na nararapat para kay tatay.” - Edmon, Fairview
“Gusto ko po makaakyat ng Mt. Apo. Matagal na po akong namumundok pero puro bundok sa Luzon pa lang po ang naakyat ko. Masayang-masaya na po ako kapag na-unlock ko yung pag-akyat ng Apo.” - Rainier, Laguna
“Makapag-explore pa ang mga beach sa Pilipinas bago ito sumikat sa social media. Ngayon kasi parang abot-kamay na ng lahat yung mga beach dahil nase-sensationalized ito ng social media. Hindi na ma-enjoy ang pagiging pristine ng lugar dahil sa pagdumog ng mga tao.” - Art, Leyte