Naalala mo ba ang pagsasabi ng “I love you” kay mama o papa. Karaniwang hindi mapagpasalamat ang mga anak, hindi expressive, at minsan ay nakairap o nakanguso ang mga bata.
Pero naalala mo ba yung first time na sabihin mo na mahal mo ang iyong mister at misis noong nagliligawan pa lang kayo. ‘Di ba napapatalon ka sa tuwa. Ang taas ng palo ng adrenaline at bumibilis ang tibok ng iyong puso na pinagpapawisan kapag nakikita ang crush mo dating si mister. Kahit hindi ka sigurado ang malampasan ang nararanasan na masungkit ang matamis na oo ng dati mong nobya rati. Ang mga unang katagang binitawan ng pagsambit ng “mahal kita” na sounds corny na nagpapakita ng iyong pagiging vulnerable. Pero nasabi mo pa rin na “kailangan kita” o “I need you.”
Dati nasasambit mo na walang effort. Alalahanin ang mga araw ng ligawan ng inyong romance at intriga ng iyong relasyon dati. Pero pagkatapos ng inyong kasal, nanakaw na ng sobrang familiarity ang sense of need mo sa iyong partner. Nagkakaroon ka ng sariling diskarte. Akala mo alam mo na ang best kaya ginagawa mo ng sariling opinyon.
Katulad ni Adam na nangailangan ng katuwang. Sinabi ng Panginoon na hindi maganda sa lalaki ang nag-iisa. Kung kaya hinugot niya sa tadyang ni Adan si Eba. Maraming hayop na pinangalanan ni Adan, pero wala sa kanila ang nakapagbigay ng pangangailangan nito bilang lalaki. Ang kailangan lamang niya ay babae na walang iba kundi si Eba.
Huwag maghintay na maisip ang katotohanan na kailangan mo si misis o mister. Kundi laging sambitin sa asawa ang kanyang kahalagahan sa iyong buhay.