Ang isang magandang gawin sa paglilinis ng closet ay ipinamimigay ang mga damit na hindi na isinusuot. Maliban lamang kung kasya pa ang well-tailored suit o dress na in case na gagamitin para sa isang okasyon.
Puwede ring gawing motivation factor ang masikip na damit upang maging dahilan ng iyong pag-work out para pumayat. Pero kung desidido nang i-let go ang damit ay mas maiman na i-donate na lamang ito sa mga kapatid o kamag-anak na mas makikinabang ng iyong damit.
Ang iba ay pinagkikitaan ang mga lumang damit o gamit na ibenibenta sa kanilang garage sale sa mas murang halaga.
Hindi kasi namamalayan na habang naglilinis ng iyong drawer ay marami na ang nakokolektang items kahit pati ang maliliit na abubot o bags na nagpapasikip na ng iyong drawer.
Pwes pairalin pa rin ang iyong business minded sa mga pinaglumaang gamit na puwedeng gawing project ng anak.
Ituro na imbes na itapon ay kumita sa inaakala nang basura o walang halaga.