Healthy Lifestyle ng Anak

Ang isa sa mahalagang new years goal sa bawat tao ay i-commit na magkaroon ng healthy lifestyle maging physically o emotionally, hindi lamang sa mga nakatatanda kundi maging sa mga anak natin.

Halimbawa, i-dedicate na gumamit ng hagdan sa halip na elevator o bigyan ang sarili ng oras na umiwas minsan sa paggamit ng smartphone. Ipakita sa anak na i-turn off ang CP lalo na kung nasa bahay din lang kasama ang pamil­ya o bago matulog.

Importante na manatiling healthy upang ma­paghandaan ang mga hamon ng buhay habang lumalaki ang mga bata.

Tulungan ang anak na kumain ng mga masustansyang pagkain, magkaroon ng sapat na tulog, at i-encourage na pag-usapan ang kanilang nararamdaman. Turuan ang bata na makipag­-usap ng positibo, ito ay pagha­handa upang magkaroong ng mahusay na communication skills ang mga anak. Kung marunong silang mag-express ang kanilang sari­ling opinion at saloobin. Maiiwasan din na makaranas ng depression o anxiety ang anak.

Show comments