Healthy Lifestyle ng Anak
Ang isa sa mahalagang new years goal sa bawat tao ay i-commit na magkaroon ng healthy lifestyle maging physically o emotionally, hindi lamang sa mga nakatatanda kundi maging sa mga anak natin.
Halimbawa, i-dedicate na gumamit ng hagdan sa halip na elevator o bigyan ang sarili ng oras na umiwas minsan sa paggamit ng smartphone. Ipakita sa anak na i-turn off ang CP lalo na kung nasa bahay din lang kasama ang pamilya o bago matulog.
Importante na manatiling healthy upang mapaghandaan ang mga hamon ng buhay habang lumalaki ang mga bata.
Tulungan ang anak na kumain ng mga masustansyang pagkain, magkaroon ng sapat na tulog, at i-encourage na pag-usapan ang kanilang nararamdaman. Turuan ang bata na makipag-usap ng positibo, ito ay paghahanda upang magkaroong ng mahusay na communication skills ang mga anak. Kung marunong silang mag-express ang kanilang sariling opinion at saloobin. Maiiwasan din na makaranas ng depression o anxiety ang anak.
- Latest