Demanding at Nakakasakal na Nobya

Dear Vanezza,

Hindi man ako top sa klase namin, pero gusto kong makatapos pa rin ng aking pag-aaral sa college.  Pero demanding ang nobya ko. Gusto niya sa lahat ng oras ay naka-text o may message ako sa kanya. Hindi niya alam na nagpupuyat ako dahil sa rami ng projects namin. Hindi ako maka-concentrate kapag lagi niya akong inaaway. Mahal ko ang GF ko, pero nasasakal na ako. Ano po ang gagawin ko? - Leslie

Dear Leslie,

Ang pag-aaral mo ay huwag mong sayangin. Mas importante iyan kaysa pag-ibig. Darating ang panahong mag-aasawa ka at magpa-pamilya. Pero ngayon ang prayoridad mo dapat ay pag-aaral. Kung hindi na healthy ang inyong relasyon, wala kang choice kundi magkipaghiwalay sa GF mo. Bata ka pa at marami ka pang makikilalang higit sa kanya. Kapalit ng pagkawala niya ang magandang future na naghihintay sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments