Ang bagong taon ay magandang pagkakataon upang ma-organize at ayusin ang kalat sa loob ng bahay. Ang iba ay talagang may effort na baguhin o magpapa-renovate ng bahay. Ito rin ang perfect time na i-release ang mga bagahe sa pagsisimula ng bagong taon upang maging maaliwalas ang kabahayan. Lalo na ang mga appliances ngayon ay practical na diposable na lamang ang mga items. Hindi na nag-iisip na tingnan kundi automatic na deretso na sa basurahan.
Ang mga henerasyon na nabuhay sa Great Depression ay sanay sa mga buttom na dipindot na lamang ang mga gamit mula sa ilaw hanggang sa lahat ng appliances. Ang iba ay talagang mas gugustuhin na itapon o ipamigay na lang kasya palitan ang gamit dahil mas napapamahal pa ang pag-repair kaysa sa literal na bumili ng bagong household items.
Kapag ang appliance o gadgets ay under warranty mas madali pa itong maibalik, pero kapag lumampas na ng dates mas nagiging komplikado ang pagdedesisyon.
Importante na alam ang long expected life expectancy ng binibiling gamit. Para mas madaling mag-isip kung kailangan lang nito ng repair o sa malas na dapat nang idespatsa ang machine. Kadalasan hanggang dalawang taon na lang nagtatagal ang mga gamit, suwerte kung mas magtatagal pa ito, depende rin sa brand ng gamit.
Upang sulit magagamit ang appliances masira man, alam na kung kailan na ito maggo-goodbye deretso sa basurahan.