Prediksyon sa iyong pagtanda

Upang malaman kung ano ang mangyayari sa iyong pagtanda (56 years old pataas) or tinatawag na third life cycle, kuwentahin  ang suma total ng iyong birth year. Halimbawa: 1960 (1+9+6+0 = 16=1+6=7). Tapos tingnan ang iyong magiging kapalaran sa ilalim ng number 7.

1—Kadalasan ay may mataas ka nang posisyon kung saan ikaw ang sinusunod ng iyong mga tauhan. May sapat ka nang pera para magpasarap sa buhay. Iyon ay kung hindi ka gastador noong iyong kabataan. Sa ganitong panahon, mag-ingat ka sa high blood, heart problems, sakit sa mata at lungs.

2—Pagsapit mo sa ganitong estado, mas bibigyang halaga mo ang love, relationships at companionship higit pa sa anumang yaman sa mundo. Ngunit may pangyayari na kahit matanda ka na ay tila hindi mo pa alam ang nais mong mangyari  sa iyong buhay.

Magkakaroon ng pananakit ng tiyan dahil magkakaroon ng problema sa digestive system. Ingatang magkaroon ng diabetes, hemorroids, tumor, ulcer.

3—Masaya ang iyong buhay sa third cycle dahil punung-puno ito ng pakikipagsosyalan. Kung na­ging maayos ang iyong buhay noong iyong kabataan, malamang na marami ka nang pera at nagtataglay ka ng magandang reputasyon sa third life cycle.

‘Yun namang hindi inayos ang buhay noong kanyang kabataan, magtatapos ang kanyang buhay sa pagiging lasenggo at buhay na puno ng kayabangan. Magkakasakit siya na may kaugnayan sa nerves, low blood pressure, neuritis, sakit sa balat at foot problems. Itutuloy

Show comments