Holiday shopping

Kung gagawin ang holiday shopping sa loob lamang ng isang araw, yari ubos agad ang budget kapag nagkataon. Huwag hayaan na mabangkureto agad ang iyong bank account.

Kung hindi feel na mag-save ng buong amount para lang ma-cover up ang shopping expenses, bigyan pa rin ang sarili ng pagkakataon na at least makatipid sa mga discount na items.

Bantayan ang iyong finances upang malaman kung magkano ang kayang gastusin sa bawat regalo na bibilhin.

Bago sumugod na mag-shopping, maglista na ng mga items na bibilhin na maging detalyado kung babae, lalaki, edad, at size.

Tandaan,  mag-stick sa budget at listahan upang hindi masobrahan ang iyong shopping.

Show comments