Isang lalaki mula Zhangzhou, South-eastern China ang naospital dahil sa pagkakaroon ng fungal infection sa kanyang baga na sanhi diumano ng pagsinghot niya sa kanyang mabahong medyas.
Araw-araw daw itong ginagawa ng nasabing lalaki, magpapalit daw muna ito ng damit pagkagaling sa trabaho saka niya tatanggalin ang medyas niyang suot para amuyin. Dahil sa gawain niyang ito, ‘di niya akalain na makakakuha pala siya ng sakit.
Kumalat na raw ang fungi sa kanyang lungs kaya hirap na siyang huminga.
Isinugod sa ospital ang lalaki at kumpirmado ngang meron na siyang malalaking sakit sa baga.
Ayon sa mga doktor, isa raw itong uri ng foot fetish pero ang suminghot ng medyas na mabaho sa buong araw ay kakaiba at ngayon lang sila nakarinig ng ganon.
May ilang kaso na rin ng ganito at merong kapapasok lamang na report mula sa ibang parte ng Amerika na isang 21-year-old daw na babae ay nakakilala raw ng isang ‘Sock Daddy’ kung saan nagbabayad daw ito ng malaki para lang bumili ng mga mababahong medyas.