Marami ang may paborito sa orange. Natural na gamit ito sa sipon at refreshing din inumin.
Tuwing namimili ay mapapansing nakabalot ito sa kulay pulang mesh bag. At marami ang hindi interesadong malaman kung bakit ito nabibili sa naturang lagayan.
May dahilan kung bakit ito nakalagay sa red mesh bag. Katunayan, ito ay taktika ng mga tindera maging ng mga grocery stores para mas magmukhang orange ang kulay ng orange.
Gumagawa ng illusion ang kulay pulang lagayan sa orange peel. Epektibo rin ang nasabing ‘trick’ sa iba pang prutas tulad ng kiat-kiat, grapefruit, tangerines, at ponkan.
Ginagawa rin ito ng ibang citrus growers at grocery stores sa lemon. Inilalagay nila ito sa green bag para mas magmukha itong madilaw at katakam-takam.