APAT na taon pa lang na nagtatrabaho si Juan Carlos Noguez Ortiz bilang beekeeper sa Dickey Bee Honey sa Innisfil, Ontario, Canada.
Kaya naman tinagurian siyang “unbee-lievable” dahil sa kabila ng maikli niyang panahon sa pagtatrabaho bilang beekeeper ay nagawa niyang padapuin ang tinatayang 100,000 mga bubuyog sa kanyang ulo at mga balikat sa loob ng isang oras at 42 segundo.
Nagawa ni Juan na makapagtala ng bagong Guinness World record matapos niyang padapuin ang 100,000 bubuyog ng mas matagal sa dating world record na 53-minuto at 34-segundo.
Bagama’t noong isang taon pa ginawa ni Juan ang stunt ay ngayon lang niya nakuha ang certificate na opisyal na kumikilala sa kanyang pagiging world record holder.
Mas nakakabilib pa ang nagawa ni Juan dahil sa kabila ng libong bubuyog na dumapo sa kanya ay dadalawa lamang daw dito ang kumagat.
Ito’y dahil daw sa kakaibang relasyon niya sa mga bubuyog na hindi raw niya kinatatakutan, hindi katulad ng ibang tao.