1--Ang taong ngumingiti nang nakasara ang mga labi ay may itinatagong sekreto tungkol sa kanyang sarili. Ngunit kung minsan ang dahilan ay nahihiya lang siyang ipakita ang kanyang pangit na ngipin.
2--Tsismosa ang taong kung ngumiti ay kitang-kita ang gilagid, tapos malakas pang humalakhak.
3--Maganda ang ugali ng taong kung ngumiti ay tama lang ang buka ng bibig at bahagyang nakikita ang mga ngipin.
4--May labi na kapag isinara ay nagmumukhang nakahikbi—Turned down lips ang tawag dito o fish mouth. Ganito ang labi ng mga taong reklamador.
5--Turned up lips. Kapag ngumiti ay mukhang nakataas ang magkabilang corner ng labi. Sila ang mga taong palakaibigan at mabait.
6--Kung labi ng babae ay turned up lips, tapos may nunal sa ilalim o ibabaw ng labi, siguradong siya ay malakas ang sex appeal.
7--Sumisikat at yumayaman ang may nunal sa ilalim o ibabaw ng labi.