Walang paltos sa pagbibigay ng pangaral ang mga magulang sa kanilang mga anak. At kung ikaw ang tipong talagang tutok sa iyong anak, malamang na sagana na rin ang mga bata sa suhestiyon mo na kumain sila ng mga healthy food at umiwas sa pagkain ng junk food. Tinutulak pa sila ni Mommy na magkaroon ng tamang exercise ang anak, at maging active sa paglalaro ng kahit na anong sports.
Pero bakit may nakaririnig pa rin tayo ng insecurities mismo sa bibig ng mga bata na nagsasabi na sila ay mataba, pangit, o hindi kaya ay payat ito? Saan ba nakukuha ng bata ang kawalan nila ng tiwala sa sarili?
Dahil hindi ka naman 24 oras na nakabantay sa mga bata, maraming factors sa paligid kasama na ang school environment o sa kanilang kalaro kung saan nila napupulot ang kanilang insecurities.
Hindi lang sa kanilang pisikal na anyo, kundi maaaring sa academic achievement, o struggle sa pagkukumpara sa iba na lalo na nagpapabigat ng kanilang kalooban. May ilang paraan na makatutulong na malampasan ng bata ang kanilang insecurities:
Mag-ingat sa iyong pagsasalita- Hindi ka man aware, pero dapat hindi lang mag-ingat sa iyong sinasabi kundi kung paano mo ito sabihin sa mga bata.
Positibong pananaw – May panahon na talagang nakararamdam ng inggit ang bata, siguraduhin na mag-effort na magbigay puna sa kanyang mga magagandang nagawa.
Palakasin ang kumpiyansa - Ipaalala sa inyong anak na unique ang kanyang katangian. Ipaalam din sa bata na magkakaiba ang lakas at kahinaan ng mga tao. Sa pamamagitan nito ay madali sa kanyang matanggap din ang kanyang sarili.