Paggamit ng Chopstick sa Vietnam

Sa Vietnam, ang kultura nila na paggamit ng chopsticks ay isang daan upang ipahayag ang kanilang pagmamalasakit sa ibang tao sa pinong paraan.

Sa traditional na meals bago kunin ang kanilang mga items, ang mga Vietnamese ay kadalasan na gumagamit ng malinis na chopsticks na pangkuha ng pagkain para sa mga katabi nila sa mesa. Sa dining ay magalang na gesture ang pagpasa ng dishes gamit ang dalawang kamay.

Okey na iangat ang bowl malapit sa bibig at upang isubo ang pagkain gamit ang chopsticks. Bahagi na ng kanilang kultura na hawakan ang rice bowls malapit sa kanilang mukha kapag kumakain. Gamitin ang kutsara sa inyong kaliwang kamay habang humihigop ng sabaw.

Pero kamalasan at sumpa para sa mga sa Vietnamese na ilagay ang chopsticks sa vee shape o nakabuka pagkatapos kumain. Huwag din itutusok ang chopstick sa kanin ito ay simbolo lamang na may namatay. Kapag ginawa ito ay nagbibigay kamalasan at kamatayan. Kabastusan din sa kanila ang paglalagay ng maraming kanin. Dahil mahirap nga naman itong maubos. Kung ayaw na magalit ang mga lokal ay huwag babaligtarin ang ulam na isda. Ito ay simbolo ng kamalasan sa mga mangingisda na tataob ang bangka. Mas mainam na siguraduhing boneless ang isda bago ito kainin.

Show comments