Ang mga coaches ng mga anak ay nakatutulong upang ma-develop ang skills ng mga bagets, pero hindi dapat mawala na mag-enjoy ang bata sa games.
Ang trabaho ng magulang ay suportahan ang anak na lumago, matuto, at ma-develop ang kanyang talent. Pero minsan ay nasosobrahan ang mga magulang na ninanakaw ang pagkakataon na maging ma-competent ang anak.
Kailangang magpokus na turuan ang anak kung paano ma-build up ang confidence. Ihiwalay ang sariling anxiety nina nanay at tatay na huwag pagbuntungan ang anak ng kanilang frustration.
Kundi magkaroon ng kontrol sa sarili ang magulang at hayaan na ma-enjoy rin ng anak ang laro. Tanggihan ang tukso na maging perfectionist dahil sa kagustuhan na ma-improve ang skills ng anak.
Maliban lamang kung talagang kailangan sa training ng anak, pero hindi dapat mahadlangan na matuto ng confidence ang anak sa kanyang ginagawa.