Huwag sayangin ang free time na malungkot dahil sa mga bagay na nangyari. Baguhin ang isipan mula sa pangit na idea sa mga mas magagandang bagay.
Makatutulong kung magbabasa ng inspiring na libro. Kung nahihirapan na maghanap ng bagay na makapagbibigay ng inspirasyon sa iyong buhay, subukan na tingnan ang ibang tao. Kapag nakakabasa ng mga magagandang kuwento ng ibang indibidwal ay nahahawa rin na magkaroon ng good vibes na kanilang ginagawa na nahahamon sa mga achievement nito.
Puwede rin manood ng mga paboritong palabas na nagpapaganda ng iyong mood. Maaari ring ulitin ang mga pelikula ng paboritong scene na tumatak sa iyong isipan ng mga eksena na puwedeng panoorin muli. Puwedeng ngumiti o tumawa upang makalimutan ang mga sitwasyon na nagpapalungkot sa iyo.
Subukan ang mga physical activity dahil ang mga working activity ay naglalabas ng chemicals na nagpapagana ng mood. Gaya ng pag-jogging, paglalaro ng kahit na anong sports, at kahit ang simpleng paglalakad sa kanto na nagpapaganda ng iyong pananaw o iniisip.