* Dapat malinaw kung bakit tatanggalin ang Filipino subject? Hindi kasi malinaw sa lahat kung bakit. Siguro kung maipapaliwanag mas maganda upang maintindihan. Para hindi nagrereklamo ang mga tao ‘di ba? Pero sana hindi mawala kasi maraming teacher ang mawawalan ng trabaho. – Joy, Tarlac
* Bakit hindi math subject na lang ang tanggalin. Pahirap ang math subject sa aming estudyante na hindi favorite ang numbers. Kaya nga ako kumuha ng psychology yun pala may math din kalokah. – Beth, Dasmarinas
* Pumayag nga sila na magkaroon ng alternative language gaya ng Korean, at ibang lenggawahe tapos sariling wika natin willing silang alisin. Ano ba talaga ang dahilan? Para mo na rin pinapatay na paliwigin ang sariling wika natin ‘di ba? Samantala ang ibang language ay pinalalakas nasaan ang hustiya kamo. – Belle, Tondo
* Kahit Filipino subject mahirap ah. Basta ba kung mapapadali para sa estudyante at papalitan ng mas magandang subject okey sa akin. Hindi naman agad basta mapapatupad na tanggalin ang Filipino subject kung hindi pag-aaralang mabuti. – Jackie, Malabon
* Puwede naman tanggalin ang Filipino kung hindi ito major subjects. Para makapagpokus sa mga major subjects. Hindi naman ibig sabihin ay pinapatay na ang sariling wika. Hindi ito puwedeng mangyari dahil ito na ang first language ng mga karamihan kaya hindi ito puwedeng mawala sa sistema at buhay ng mga Pinoy na estudyate. – Lily, Makati