• Gumagamit ang ilang kulungan sa Russia ng Caucasian Mountain Sheperd, isang uri ng malaking aso, bilang gwardya. Umaabot ang bigat nila ng 200lbs at may laki ng hanggang 6ft.
• Taliwas sa ating paniniwala, hindi totoong bulag ang mga paniki. Nagpapanggap lang silang bulag para makapaninlang.
• Kayang pigilin ng alakdan ang kanilang hininga ng anim na araw.
• Naha-high ang mga jaguar dahil sa pagkain ng mga hallucinogenic roots. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mas sumisipag at matalas ang kanilang pang-amoy sa kanilang mga target na kakainin.
• Two feet ang haba ng dila ng mga anteater. Malagkit din ito kaya dumidikit ang mga langgam sa kanilang dila.
• Mas mabigat pa ang dila ng blue whale kesa sa isang elepante.
• Rinig ang “roar” ng isang lion sa limang milyang layo.
• Ayon sa ilang pag-aaral, mas maraming gatas ang mailalabas ng mga baka ‘pag nakakarinig sila ng musika.
• Sampung bumbilya ang kayang pailawin ng kuryente ng electric eel.
• Mabubuhay ng dalawang taon ang tarantula nang hindi kumakain.