Pabor ka bang Ibalik ang ROTC?
* Push natin yan, bakit kasi tinanggal ang ROTC. Dapat inayos na lang ang sistema dati. Malaking tulong yan sa mga kabataang lalaki. Hindi yung puro paglalaro na lang ng computer ang nalalaman. – Cecille, Makati
* Ang problema ay baka dumami ang abusadong officers ang sasamantalahin ang mga estudyante katulad dati. Nung panahon ng utol ko, nakapagmartsa na siya sa graduation, pero nung kukunin na ang clearance ay hindi pala kumpleto ang ROTC attendance niya. Pinagbabayad ba naman ang kapatid ko sa crame pa ah. Sagot daw ng official ang pirma. Pero hindi rin nakuha ng kapatid ko ang transcript niya. – Josie, Las Piñas
* Magandang idea na ibalik ang ROTC. Go support natin ang plano ni Digong. Request lang kung pwede ay gandahan ang programa. Kung maaari please lang na huwag ilagay ang schedule sa Sunday. – Betty, Malabon
* Bukod tanging ‘Pinas lang sa buong mundo ang nagtanggal ng military training. Magandang pagsasanay ito sa mga kabataang lalaki. Hindi komo walang giyera magiging kampante na tayo. Hindi lang naman pang military ‘yan o sa mga magpu-pulis lang, kundi matuturuan din ang mga lalaki na maging responsible ‘di ba. Training din yan upang maging leader ang mga lalaki hindi lang para sa bansa, kundi sa kanilang pamilya balang araw. – Sharon, Dasmarinas
* Isang paraan din ito upang mailayo sa masamang bisyo ang mga kabataan. Pero dapat bantayan ang mga officers na aabuso sa kanilang mga kadete na madalas na reklamo ng mga estudyante dati. Mahigpit sana ang rules na walang hazing sa ROTC. – Nene, Quezon, Ave.
- Latest