Paano Respetuhin si Mister?

Paano nga maipapakita ng mga asawang babae ang unconditional respect sa kanilang mister? May ilang paraan upang makapagbigay ang mga misis ng esteem na hinahanap ng mga lalaki.

Maghanap ng pagkakataon na ipakita kay mister ang pag-honor at pag-build up sa kanya. Kung inaakala ng ibang babae na ang respeto sa mag-asawa ay dapat ini-earn. Kung kaya madalas masyadong nagpapakita ng critical attitude si misis kay mister. Ang totoo ang respeto sa mag-asawa ay hindi kailangang paghirapan kundi isang regalo na libreng ibinibigay kay mister na ayon na rin sa Bible.

Kailangang tanggapin ang napangasawang lalaki ay hindi perpekto. Kung nagkamali si mister sa kanyang desisyon, iwasan na sabihing “sinasabi ko na nga!” “sabi ko na sa iyo ‘di ba?!” Bagkus pagkatiwalaan na ang bad decision ni hubby ay mag-work out in the long run. Imbes na puro kamalian ang hinahanap kay mister, subukan na magpokus sa anong maganda at mabuting ginagawa ng iyong asawang lalaki. Tingnan ang best attitude ni mister sa paraan na magpu-push sa pag-build up sa kanyang pagkatao. Sabihin sa kanya kung gaano siya na-appreciate. Simulan ang araw na tanungin kung ano ang kanyang kailangan. Kausapin nang maayos si mister na hindi yung minamaliit ang lalaki na ipinamumukha pa sa kanya ang mga bagay na hindi niya kayang gawin. Bagkus ay i-encourage ang asawang lalaki sa patuloy na pagiging mabuting leader nito sa inyong pamilya. Kailangang makita ng mga anak na ang authority ng inyong tahanan ay si tatay bilang pagpapasakop din ng kanyang may bahay. Mas madali rin mapapasunod ang mga bata na sensitive na kailangan din ng proteksyon at gabay ng mga anak mula sa kalinga at pagmamahal ng kanilang ama ng tahanan.

Show comments