Sistine chapel sa Vatican bawal kuhanan ng video o picture
Isa ang Sistine Chapel sa Vatican City sa pinakasikat na tourist attractions sa buong mundo kaya naman marami ang hindi makapaniwala na mahigpit na ipinagbabawal na kunan ng litrato o video ang anumang nasa loob nito.
Ni-restore ang nasabing chapel mula 1980 hanggang 1994 na ginastusan ng Nippon Television Network Corporation ng Japan.
Umabot ng $4.2 million ang nagastos ng nasabing kumpanya sa restoration nito.
In return, nakakuha ng exclusive rights ang Nippon para i-document ang lahat ng artwork na naka-display sa loob ng Sistine Chapel.
Na-expired na ang naturang copyrights ng Nippon pero nagpasiya ang Vatican na panatilihin ang pagba-ban sa pagkuha ng litrato ng nasabing lugar.
Isa sa itinuro nilang dahilan ay para proteksyonan ang precious artwork mula sa ‘mapaminsalang’ flash ng iba’t ibang kamera.
- Latest