Mataas na Expectation ni Misis kay Mister

Sa early years ng marriage ay maraming itinuturo sa mag-asawa. Para kang natututo kung paano magsayaw. Kung nanonood ng show ng Dancing with the Stars, makikita na kailangang maging finesse at may rhythm sa maingat na pag-indak kasabay ng music. Ang kagalingan sa pagsasayaw ay hindi nangyayari ng overnight. Kinakailangan ng mahabang practice. Kinakain ng maraming oras sa paulit-ulit na pagpapraktis.

Puwedeng matapakan ng lalaki ang paa ng kanyang partner. Samantalang ang babae ay puwedeng umikot sa kaliwa imbes na kanan dapat. Habang nagpa-practice sa pagsasayaw na magkasama ay natutunan ang katangian ng isa’t isa hanggang sabay na nakukuha ang technique upang maging accurate sa susunod na step sa dance floor.

Katulad ng mag-asawa na kailangan ng dalawang partner na sabay umindak sa parehong direksyon na inaasahan ang galaw ng isa upang maging matagumpay. Maaaring mayroong mga balakid na hindi agad makuha ang steps kung kaya nadidismaya at naiirita. Kung sisihin ang partner sa pag-breakdown ay madali rin maging defensive at ibalik ang sisi. Dahilan upang masira at mawasak ang relasyon.

Importante sa relasyon na alamin ang mga bagay na nakakahadlang upang maging healthy pa rin ang pagsasama. Inaasahan pa naman ng mga misis na magaling na mind reader ang mga lalaki kaya mataas ang expectation sa kanilang mga mister o partner. Pero madalas ay hindi magaling na mind readers ang lalaki. Inaasahan ng mga babae na hindi sapat ang bulaklak bilang peace offering sa kanilang pag-aaway.

Pero hindi patas na ipapasan ang lahat nang bigat ng problema ng pamilya kay mister kung kailangan ni misis ng break mula sa gawing bahay at responsibilidad ng may bahay. Madalas sagot ng mga babae na dapat ay nagtatanong ang mga mister, pero hindi naman laging maliwanag sa lalaki ang mga gusto ng mga misis.

Imbes na sarilinin ng mga misis ang mga problema ay dapat maging habit nito na gamitin ang formula ng komunikasyon sa kanyang mga reklamo o sariling pa­ngangailangan. Huwag laging mag-akala na alam lahat ng lalaki ang iyong iniisip. Kundi ipaalam kay mister nang maintindihan nito ang saloobin ng kanyang misis.

Show comments