Karaniwan ang warts ay infection sa ibabaw ng layer ng balat. Sa simpleng kamot ay mabilis tumutubo ang cells sa labas ng balat na nabubuo ang wart. Ano ba ang dapat malaman tungkol sa warts?
1. Ito ay maliit na solid na blister na mukhang cauliflower.
2. Pwedeng flat, pigment, o plantar ang tubo.
3. Ang black dots sa warts ay blood vessels na pwedeng magdugo.
4. Puwedeng mawala sa loob ng 1 – 5 taon kahit walang medical treatment, pero maraming available treatment lalo na sa madami o sensitive na areas.
5. Mas mabilis mawala ang warts sa bata na 50% ay nawawala sa isang taon o 2 years.
6. Ang treatment ay puwedeng duct tape, surgery, laser treatment, at etc.
7. Ang warts ay kailangan lagyan ng waterproof na band aid kung magsu-swimming.