• Berries – Ang mga berries tulad ng Strawberries, blackberries, blueberries, grapes ay mayaman sa antioxidants properties na siyang responsable upang mapabagal ang pagtanda ng ating hitsura. Ayon sa ilang pag-aaral, nakakapag-improve ng cognitive abilities ang berries at makatutulong ito para makaiwas sa Alzheimer’s at Dementia.
• Citrus – Magandang pagkunan ng Vitamin C ang citrus fruits tulad ng calamsi, lemon, oranges at iba pa. Nakatutulong ito upang mabawasan ang cholesterol at uric acid sa ating dugo. Nakakatulong ito na mag-prevent ng circulatory problems, heart conditions, at sakit gaya ng gout na pasakit sa mga matatanda.
• Olive Oil – Isa sa major sources ng alpha-linolenic acid ang olive oil na siyang rsponsable para panatilihing hydrated at banat ng ating kutis. Maglagay ng koting olive oil sa ilalim ng mata bago matulog para sa mas maaliwalas na mukha.