Ang mga arrangement ng bulaklak para sa mga namayapa kung mula sa nanay, tatay, anak, at kapatid ay laging priority na inilalagay sa tabi ng kabaong o libingan. Ang ibang miyembro ng pamilya gaya nina aunty, uncle, pamangkin, pinsan, at ibang close friends ay tradisyonal na nakatayong naka-display na nakikita sa tabi. Ang ibang generic na arrangement ng bulaklak mula sa circle of friends and family ay puwedeng dalhin ng pamilya pauwi sa bahay upang magbigay sigla sa kanilang tahanan.
Ang sweet sentiment gaya ng kahit anong bouquet na matatanggap at simpleng gestures ay malaking maitatanim ng lasting memory na ipinadadala bilang honor sa yumao. Ang mga florists ay nagpapayo kung anong tamang bouquet ang puwedeng ipadala bilang pakikiramay. Maaari rin ang sariling choice o style upang magkaroon ng personal touch ang bulaklak. Puwedeng kausapin ang management sa floral store sa inyong gustong design para sa flower tribute ng yumao. Hindi naman kailangan laging korona ng patay ang puwede ibigay. Maaaring samahan ang namatayan para maramayan sa mahirap na pinagdadaanan ng kaibigan o pamilya.
Ang paglalagay ng card kasama sa bulaklak ay kailangan na hand-written na ipahayag ang feelings na gustong ipahayag. Sa ibang kaso, mas wise kung ilalagay ang buong name at contact number in case ang pamilya ay gustong magpasalamat. Lalo na kung dati nang close friend at nawala na ng contact sa mga nagdaang panahon. Kung grupo ang nagbigay ng bulaklak ay madalas nakasulat na sa ribbon ng bulaklak ang name ng mga opisina, kompanya, o ibang colleagues.