Ang self-esteem ay puwedeng magsimula kahit baby pa lang ang anak na nade-develop ang proseso nang dahan-dahan. Ito ay puwedeng simula hanggang baby pa lang ang bata na nararamdaman ng anak na siya ay safe, loved, at tanggap ng magulang. Nagsisimulang makakuha ng positibong attention at loving care ang baby mula kina nanay at tatay.
Ang babies na nagiging toddlers at young children ay maraming kayang gawin sa sarili nilang kakayahan na feel good ang dating sa mga bata kapag nagagamit ang bago nilang skills. Tumataas din ang self-esteem kapag nakakuha ng atensyon mula sa magulang kaya hayaang sumubok ang mga bagets saka ngitian, palakpakan, at maging proud sa anak.
Habang lumalaki ang mga bata, kasabay din ang pagtaas ng kanilang self-esteem. Sa tuwing may bagong gustong gawin si baby o ang bata ay hayaang matuto ng mga pagkakataon upang magkaroon ito ng kumpiyansa sa kanyang sarili.