• Hindi lamang ang leeg ang mahaba sa giraffe dahil ang kanilang dila ay umaabot din ng hanggang 18 inches.
• Kayang tumingin sa magkahiwalay na direksyon ang chameleon.
• Nag-iiba ang kulay ng ulo ng mga ostrich kapag nae-excite sila.
• 80 galon ng tubig ang kayang inumin ng isang elepante sa loob ng isang araw.
• Ang lion ang national animal ng mga bansang Albania, Belgium, The Netherlands, Bulgaria, England, Ethiopia, Luxembourg, at Singapore.
• Kayang magsilang ng hanggang 85 ang garter snake.
• May kakaibang pilik mata ang mga arctic hares, isang uri ng kuneho na naninirahan sa malalamig na lugar. Sobrang makapal ito para maprotekrahan sila sa matinding sikat ng araw.
• Hanggang 75 years old nabubuhay ang mga ostrich at kaya nilang mangitlog sa loob ng 50 years ng tuluy-tuloy.
• Pinaniniwalaang nabuhay sa bansang Egypt ang greyhound na isang uri ng aso na pahaba ang korte ng katawan. Sa history ng Egypt, laging may greyhound na nakaukit sa kanilang mga pyramid.