Minsan madaling mapansin kapag ang anak ay nakararamdaman ng magandang bagay sa kanyang sarili o hindi. Ang idea ng feeling good ng anak sa kanilang sarili ay tinatawag na “self-esteem.”
Ang mga bata na mayroong mataas na kumpinyansa na ang pakiramdam ay tanggap ang kanilang sarili at alam kung ano ang gusto nila. Hindi yung ang laging sagot ay “ikaw bahala,” “ewan ko,” o “hindi ko alam.”
Pero kung confident ang anak ay proud ito sa kanilang ginagawa. Iniisip din nilang magagandang bagay sa kanilang sarili. Hindi yung conscious sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanila. Malaki rin ang kanilang paniniwala sa kanilang sarili.
Samantalang ang bata na mababa ang self-esteem ay self-critical at pinahihirapan ang kanilang sarili. Feeling ng bata na hindi siya kasing galing tulad ng ibang kaibigan, kalaro, o classmates.
Mas iniisip ng mga bata ang kanilang pagkakamali o kapalpakan kaysa sa mga pagkakataon na sila ay nagtagumpay. Kulang ang confidence. Laging may pangangamba na hindi nito kayang gawin ang isang bagay.
Importante na ma-develop ang self-esteem ng anak na magsisimula kung paano sila itrato nang tama na may respeto ng kanilang mga magulang.