Perfectionist na Anak

Ituro sa bata na walang perpektong tao na ipaliwanag sa anak na walang umaasa sa kanya na laging maging tama. Ang reaksyon ng magulang sa kapalpakan at disappointment ng anak ay kung paano rin aasta ang ugali ng bata. Ang pagkakamali ay ebidensiya na hindi “good enough” ang isang indibidwal, pero ang malaking isyu ng perfectionist ay ang pag-aalala na baka hindi ito mag-excel sa isang bagay. Ang perfectionism ay nagtatangka na kontrolin ang isang sitwasyon ng anak na nagbibigay ng hindi komprontable sa kanilang ginagawa. Ang perfectionism ay malaking impact sa pagkatao ng anak at relasyon sa pamilya o ibang tao. Nagbubunga ng pagkadismaya, tantrums, at stress sa anak. Malaki ang maitutulong ng mga magulang kung paano ma-deal ito ng anak. Kapag hindi naka-shoot ang anak, pwedeng mag-cheer ng “it’s no big deal!” Saka hamunin ang anak na na mas magpokos at mag-practice sa kanyang sports o pag-aaral.

Show comments