Dear Vanezza,
Turn off ako sa Gf ko na hindi marunong rumespeto sa mommy niya komo spoiled brat ang dyowa ko. Sinabihan ko na siya, pero hindi pa rin nagbabago. Nawalan ako ng gana sa kanya, Kaya hindi na ako nagpunta sa bahay nila. Hindi ko rin sinasagot ang text, call, at messages niya sa FB ko. Tama ba ako? – Jake
Dear Jake,
Kung may pagkakataon ay makausap siya para alam din ng GF mo kung anong pagkukulang at pagkakamali niya.
Sumasainyo,
Vanezza