Factors ng Back Pain

Lahat ay puwedeng maka-develop ng pananakit sa likod, kahit ang mga bata o teenager. Karaniwan a may mga produkto na pwedeng mapigilan o maginhawaan ang sakit sa likod gaya ng sapatos, upuan, sandalan, unan, back support lalo na ang furniture, o massage machine para sa stress management program na makatutulong maibsan ang papanakit ng likod.

May factors din kung kaya malaki ang risk sa pag-develop ng back pain.

1. Edad, kapag tumuntong sa edad na 30 o 40.

2. Kakulangan ng exercise. Nanghihina ang muscle sa likod at sa tiyan kapag walang ehersisyo.

3. Katabaan. Ang sobrang body weight ay nagkakaroon ng extra stress sa likod.

4. Sakit gaya ng arthtitis at cancer ay nagko-contri­bute sa back pain.

5. Maling buhat gamit ang likod sa halip ang legs na tiyak na ang dahilan ng back pain.

6. Psychological na kondisyon, ang taong prone na ma-depress at anxiety ay malaki ang tsansa na magkaroon ng back pain.

7. Paninigarilyo na nagpipigil sa daloy ng dugo sa lower spine na nagdadala ng nutriets sa mga disk sa likod. Ang paninigarilyo ay nagpapabagal din sa healing ng sakit sa katawan.

Show comments