Nakipagsuntukan sa pating

Pinagkalooban ng second life kung ituring ni Paul Kennedy ang nangyari sa kanya nang atakihin siya ng pating nito lamang Sabado habang siya ay nagsu-surf sa Samurai Beach, Australia.

Sa tingin ni Paul ay isang bull shark ang kanyang nakasagupaan.

Kwento pa niya, kumukuha siya ng alon nang bigla siya nitong kagatin sa bandang kamay. Para makawala, walang tigil niya itong pinagsusuntok hanggang pakawalan siya sa pagkakakagat.

“As soon as I did that he latched onto my arm and all I could do was punch it until it let go,” pagdedetalye pa ni Kenny sa Daily Telegraph na pahayagan sa Sydney.

Nagbigay ng first aid ang paramedics sa itaas na bahagi ng kanang kamay ni Kennedy bago siya dinala sa pagamutan.

Show comments