Ayon sa mga haka-haka sa lugar ng Walbrzych, Poland, may dalawang lalaki raw diumano ang nakahanap sa nawalang tren ng mga Nazi matagal na panahon na ang nakakalipas. Nalaman ito ng kanilang gobyerno kaya naman kinuha ito sa kanila. Ang mga nasabing lalaki ay humihingi ng 10 percent na parte mula sa mga nakuha nilang tone-toneladang ginto sa nasabing tren.
Nawala raw ang armadong tren na ito na pag-aari ng mga Nazi pagkatapos ng World War II kasama ang mga ginto at mamahaling bato.
Meron daw itong haba na 150 meters na may mga kanyon sa gilid bilang pananggalang sa mga kaaway.
Ayon sa local historian na si Joanna Lamparska, sinubukan daw na hanapin ang nawawalang tren na ito pagkatapos mawala, pero kahit isa ay walang nakakita. Huli itong nakita sa isang tunnel bago maglaho. Pinaniniwalaan ding hindi lang ginto at bato ang laman nito, meron din daw itong ‘hazardous materials’ na laman.