Nakalulungkot ang katotohanan na milyong overseas Filipino workers ang nagsasakripisyo sa ibang bansa na inaabot ng ilang tao sa abroad.
Ang intial lang sanang plano ay mga dalawang taon na inabot ng lima, sampu, pero dahil hindi natatapos ang gastusin sa mga anak, kapatid, at buong pamilya. Hindi pa matanggihan ang hinihinging pabor mula sa ibang kamag-anak.
Sa malas ay inaabot na ng ilang dekada ang mga OFW na hindi na nakita at nakakapiling ang mga lumalaking anak sa maraming mahahalagang okasyon. Buti nga madali na ang communication ngayon, kumpara rati na nagkakaroon ng gap ang mga anak, mag-asawa, at magulang sa tagal na hindi sila nagkasama. Hindi namamalayan na inaabot na ng 10 o 20 years sa ibang bansa. Ilang mag-asawa na ba ang naghiwalay kahit isang taon pa lang nagtatrabaho sa abroad. Huwag hayaang isakripisyo ang buong buhay sa labas ng bansa na hindi kapiling ang mga anak at asawa.
Maiiwasan ang palagiang extension kung sa simula pa lang ay mayroon nang plano kung hanggang kailan lamang mananatiling magtrabaho sa ibang lugar na hindi kasama ang pamilya.