Usung-uso ngayon ang pagkakaroon ng maternity shoot kung saan may mga magagandang bulaklak, magagandang kulay at cute na props ang makikita sa isang litrato na magsisilbing souvenir sa pagbubuntis ng isang mom-to-be.
Pero naiiba ang gusto ng mag-asawang Todd at Nicole Cameron mula sa British Columbia na mahilig sa mga creepy o nakakatakot na bagay, isa na nga rito ang tema ng Halloween.
Ayon kay Todd, habang namimili raw siya ng dekorasyon para sa Halloween, may nakita raw siyang model na isang alien. Inuwi raw niya ito at habang pinipintahan, nakaisip siya ng magandang idea. Agad niyang tinawag ang asawa at nagsimula na silang magplano.
“Nicole wasn’t interested in a traditional maternity shoot so our planning began.
I took care of the general storyline and props (including the hand carved pumpkin ‘alien pod’ and Nicole took care of finding our wardrobe.
“The funniest part for us was laying in a cold wet field, covered in fake blood and just laughing our hearts out, hoping that the farm hands wouldn’t drive by and see us in our current conditions!” pagkikuwento ni Todd.
Makikita sa litrato ang isang alien kung saan lumabas ito mula sa tiyan ni Nicole na nagmistulang anak niya, nag-enjoy ang dalawa sa photoshoot nila kaya tiyak na magugustuhan din daw ito ng kanilang ‘totoong’ magiging anak.