Mga Pamahiin at Numero

1--Good luck kapag nakakita ng 2 puting ka­bayo. Good luck kapag nakahuli ng 2 daga sa isang trap. Good luck kapag nagkasabay ang 2 tao sa paghatsing.

2--Iwasan ang mga number na 58 (“hindi aasenso”); 4 (mamatay). Pi­liin ang 18 (siguradong aasenso) at 84 (asensado hanggang kamatayan).

3--Ang 3, 6, at 9 ay ma­susuwerteng numero. Lalong lumalaki ang tsansang suwertehin sa mga nabanggit na numero kung kakabitan ng 8.

4--Masuwerte rin ang kombinasyong 1388 dahil (prosperity in one’s lifetime sa Cantonese); kombinasyong 998 (prosper for a long time sa Cantonese); 168 (prosper all the way).

5--Kung ang iyong date of birth ay divisible by 7 (7, 14, 21, 28), susuwertehin ka habang buhay.

6--Ang 9 diamonds ay malas na card sa Scotland.

7--Malas makabasag ng 3 itlog nang magkakasabay.

8--Ang 3rd finger sa kaliwang kamay ang pinaniniwalaang maaaring makapagpagaling kung ihahaplos sa sugat.

9--Sa 3rd attempt daw ang nagtatagumpay.

10--Ang pusang may 3 kulay (gold, black, white) ang mabuting alagaan dahil poprotektahan nila ang bahay sa sunog.

Show comments