Magpokos sa present na pinag-uusapan dito ay ang kasalukuyan, hindi ngayong araw, hindi ngayong oras, kundi itong exact na moment.
Maaaring nasermonan ng iyong boss o supervisor, pero anong nangyayari ngayong eksaktong oras na ganun ba talaga ang kasama? Kalimutan ang comment ni boss nung makalipas ng five minutes ago.
Mag-focus agad sa isang bagay at indibidwal na moment. Karamihan sa mga sitwasyon na iniisip ay hindi ganun kalakas ang impact kung pag-aaralan. Kalimitan nang pinanggagalingan ng negativity stem ay mula sa memory sa nakalipas na event na masyadong nai-exaggerated ng imagination na potential naman puwedeng gamitin para sa future na pangyayari.
Move on agad, huwag nang ulit-ulitin pa ang episode na nire-replay sa iyong isipan na hindi healthy. Dahil tinuturuan mo lang ang sarili na madismaya, malungkot, at ma-stress. Hawiin ang bad memory bagkus ay magpokos ngayong bagong moment na kinakaharap.